TIKOM | Sara Duterte, tikom sa alegasyong siya ang nasa likod ng pagpapatalsik kay Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez

246

Manila, Philippines – Nananatiling tikom ang bibig ni Davao City Mayor at Presidential Daughter Sara Duterte Carpio sa alegasyong siya ang nasa likod sa pagpapatalsik kay Representative Pantaleon Alvarez bilang House Speaker.

Sa kabila nito, nagpaabot ng pagbati si Sara sa pagkakaluklok kay bagong House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Inilarawan rin ni Sara ang dating pangulo bilang isang “strong leader.”

Si Arroyo ay nahalal bilang speaker nitong July 23 matapos sang-ayunan ng 184 kongresista.

Siya rin ang ika-21 house leader at pinakaunang babae sa kasaysayan ng bansa na nakahawak ng naturang posisyon.

Facebook Comments