TIMBOG | 2, arestado sa ilegal na droga sa Maynila

Manila, Philippines – Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Jose Abad Santos Police Station Police Station-7 ang dalawang babaeng vendor matapos na mahulihan ng shabu sa Rail Road Track at Daang Bakal corner Dagupan extension Tondo, Maynila.

Nakilala ang mga suspek na sina Maria Riza Nival 29-anyos vendor at residente ng 2106 B. Molave Street, Tondo, Manila at Edna Lastimosa 47-anyos residente ng 2105 Dagupan extension Tondo, Maynila.

Ayon kay MPD Spokesman Superintendent Carlo Manuel nagsagawa ng anti-criminality operation, ang mga operatiba ng MPD sa naturang lugar nang mahulihan ng plastic sachet na may lamang hinihinalaang shabu.


Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa ng mga pulis laban sa mga suspek.

Facebook Comments