Tinapyas na pondo para sa prayoridad na mga programa ng DILG, pinababalik ni PBBM

Halos ₱1 billion tapyas, natuklasang inilipat para sa rescue vehicles sa Region 5.

Pinababalik ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Department of Budget and Management (DBM) ang mga alokasyong kinaltas sa mga prayoridad na programa ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sa Malacañang press briefing, tinukoy ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang ilan sa mga prayoridad na programa ng ahensiya kabilang ang Integrated National 911 System at enhancement ng capacity ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP).


Pero sa General Appropriations Act, tinapyas aniya ng ₱386 million ang pondo para sa PNP-IT program na naging ₱232 million mula sa orihinal na higit ₱619 million.

Gayundin ang para sa pagtatatag ng safe security camp na binawasan ng ₱311 million at ginawang ₱161 million lang muna sa orihinal ba ₱472 million.

Ayon pa kay Remulla, natukoy nilang inilagay ang halos ₱1 bilyon pondo para sa all-terrain amphibious rescue vehicles para sa Region 5.

Dinagdagan rin anya ng ₱500 million ang intel fund ng PNP na naging ₱1.3 billion, pero ibabalik ito sa original budget na ₱820 million lang.

Sabi ng kalihim, ang magiging savings dito ay ilalagay para sa paglulunsad ng integrated 911 system para sa buong bansa.

Facebook Comments