TNT, naitabla sa 1-1 ang best of five semifinals game kontra Barangay Ginebra sa PBA Governors’ Cup

Sports – Naitabla ng TNT Katropa sa 1-1 ang kanilang best of five semifinals kontra barangay Ginebra sa iskor na 103-96 ng PBA Governors’ Cup.

Bumida sa Katropa ang kanilang import na si Glen Rice Jr. na mayroong 21 points habang nakapagtala naman ng 20 points at 10 rebounds si Jayson Castro.

Nag-ambag rin ng 14 points, limang rebounds si RR Pogoy at 10 points at limang rebounds naman si Mo Tautuaa.


Hawak pa ng Gins ang lamang sa second quarter hanggang mahabol ito ng TNT sa pagpasok ng third quarter.

Facebook Comments