Monday, November 23, 2026

177 pamilya na biktima ng sunog kagabi sa Cubao, Quezon City, nakatakdang ilipat sa ibang lugar

Ililipat sa ibang lugar, mula sa Carlos P. Garcia High School ngayong Martes, November 3 ang 177 pamilyang biktima ng sunog na sumiklab sa New York Street, Barangay E. Rodriguez, Cubao, Quezon City kagabi, November 2.

Ito ay para hindi makaabala ang mga evacuees sa pasok o klase ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan.

Ayon kay Barangay E. Rodriguez Chairman Marcelino Buena Agua Jr., nakikipag-ugnayan na sila sa isa sa pinagpipiliang lugar na paglilipatan, partikular sa covered court ng Barangay Milagrosa.

Sa ngayon, tinitingnang anggulo umano ng awtoridad na posibleng pinagmulan ng sunog ang sinindihang kandila ng mag-asawang senior citizen na posibleng napabayaan.

Patuloy namang nagtutulungan ngayong Martes ng umaga, November 3 ang ilang residente ng nasabing barangay, para mas mapabilis ang pagtatanggal ng mga natupok na yero at iba pang materyales.

Facebook Comments