Bilang ng nahuling lumabag sa Smoking ban nadagdagan pa

Mas nadagdagan pa ang bilang ng mga taong lumabag saAnti smoking ordinance dito sa cot.city kung saan nadagdagan pa ito ng sampu katao bagong nahuli nitong nakalipas na araw, kayat mula sa bilang na 117 ay 127 na ngayon ang nahuli ng City Public Safety Office kasama ang Traffic Management Center. Mas pinalakas na kasi ng City Government ang kanilang panghuhuli sa mga pasaway parin na kababayan natin na parang tambutso ang bibig kung makasigarilyo sa pampublikong lugar ay wagas..Multang 500 pesos ang ipinataw sa unang huli kung ayaw nilang maglinis sa mga kalsada. Binalaan naman ni Mayor Atty.Frances Cynthia Guiani Sayadi ang mga establishment na magbabayad ng multang 10,000 pesos kung may mahuling nagsisigarilyo sa loob ng tindahan.

Facebook Comments