Pinusuan ng netizens ang anim na taong gulang na si Anthon Ventura mula sa bayan ng Sto. Tomas, sa kanyang determinasyon bilang pinakabatang kalahok mula sa 850 runners sa isinagawang Taray Ti Asingan 2026 na bahagi ng Kankanen Festival.
Sa kabila ng kanyang murang edad, matagumpay siyang nakipagsabayan at natapos ang 3-kilometer run sa loob ng mahigit dalawampung minuto.
Ipinakita ni Anthon ang determinasyon, tibay, at positibong pananaw habang tumatakbo, mga katangiang tunay na kahanga-hanga para sa isang batang tila naglalaro lamang.
Lalong naging kapansin-pansin ang kanyang pagsali dahil sa like father, like son na tandem nila ng kanyang amang si John Ace Ventura, na nagsilbing inspirasyon sa kanya mula nang magpakita siya ng interes sa pagtakbo noong nakaraang taon.
Patunay naman ang tagumpay ni Anthon na sa tamang disiplina, suporta ng pamilya, at maagang paghubog ng talento, maaaring maabot ang mga pangarap kahit sa murang edad.








