
Arestado ang 53-anyos na lalaking top 1 most wanted sa municipal level matapos na ihain ang warrant of arrest nito kasong qualified statutory rape sa Barangay Guitnang Bayan, San Mateo, Rizal.
Nag-ugat ang kaso ng suspek matapos na molestiyahin ang kapitbahay nito.
Inisyu ang arrest warrant ng San Mateo Regional Trial Court (RTC) Branch 75 kung saan wala itong inirekomendang piyansa.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Rodriguez Police Station ang suspek upang sumailalim sa legal na proseso.
Facebook Comments