TOP 1 MOST WANTED PERSON SA LALAWIGAN NG CAGAYAN, NASAKOTE

Cauayan City, Isabela- Nalambat na ng mga awtoridad ang isang lalaki na itinuturing na Top 1 Most Wanted Person sa Lalawigan ng Cagayan sa Sitio Palaui, Brgy San Vicente, Sta Ana sa naturang lalawigan.

Sa bisa ng isinilbing warrant of arrest ng mga otoridad ay matagumpay na nasakote ang suspek na kinilalang si Edmundo Culasing, 42-anyos, at residente ng Naguilian, Brgy Camiguin, Sta Ana.

Batay sa ulat ng PNP, nagsanib-pwersa ang mga elemento ng Cagayan Provincial Intelligence Unit, Regional Group for Special Concern, Coast Guard Intelligence Group, North Eastern Luzon, Maritime Sta Ana, Ballesteros Police Station at Sta Ana Police Station na nagresulta sa pagkakadakip ni Culasing.

Sa inilabas ng RTC Branch 7, Aparri, Cagayan na Mandamiento de Aresto ay nahaharap ang suspek sa kasong Murder at Attempted Murder.

Nasa pangangalaga na ng Sta Ana Police Station ang suspek habang hinihintay ang commitment order mula sa korte para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments