
Extended hanggang June 30 ang paghahain ng tax returns, pagbabayad ng buwis, at pagsusumite ng mga kinakailangang dokumento sa Bureau of Internal Revenue o BIR para sa mga taxpayer sa mga lugar na apektado ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
Hindi rin papatawan ng multa, surcharge, o interes ang mga taxpayer na makakapagsumite at makakapagbayad sa loob ng extended tax deadline.
Sakop ng extended tax deadline ang mga taxpayer na nakarehistro sa General Santos City, Sarangani, at South Cotabato alinsunod sa Revenue Memorandum Circular No. 62-2026.
Samantala, layon naman nito na bigyan ng karagdagang panahon at ginhawa ang mga apektadong mamamayan, maging ang mga negosyo sa nasabing mga lugar habang nagsasagawa ng mga hakbang sa pagbangon mula sa epekto ng lindol.










