20 KILONG RICE SUBSIDY, PATULOY NA IPINAMAMAHAGI SA MGA INDIGENT AT VULNERABLE SECTORS SA PANGASINAN

Patuloy ang pamamahagi ng 20 kilo ng bigas sa mga indigent at vulnerable sectors sa Pangasinan bilang bahagi ng mga programang naglalayong matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan sa pagkain.

‎Sa unang tranche ng Assistance to Indigent Individuals or Families-Rice Distribution Program (AIIF-RDP) at Bawat Bayan Makikinabang Program, mahigit 120,000 residente sa buong lalawigan ang nakatanggap ng tig-20 kilo ng bigas, o katumbas ng tinatayang 2.4 milyong kilo ng rice assistance.

‎Bawat benepisyaryo ay tumanggap ng dalawang sako na tig-10 kilo ng bigas.

‎Ang allocation ay mula sa Office of the President at ipinamahagi sa mga Local Government Unit (LGU) sa buong Pangasinan sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan, Department of the Interior and Local Government (DILG), at mga lokal na pamahalaan.

‎Sa Villasis, umabot naman sa 2,954 benepisyaryo mula sa mga low-income family at iba’t ibang sektor ng komunidad ang nakatanggap ng tig-20 kilo ng bigas mula sa Provincial Government of Pangasinan.


‎Isinagawa ang pamamahagi sa Villasis Palay Drying Facilities and Warehouse sa Barangay Unzad bilang bahagi ng Rice Subsidy Distribution Program ng lalawigan.


‎Nakatuon ang mga programang ito sa pagbibigay ng food assistance sa mga pamilyang higit na nangangailangan, lalo na ang mga kabilang sa indigent at vulnerable sectors, bilang suporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments