Pinapayagan na muli ang pangingisda at maging mga wate activities sa No Fishing, bahagi ng Tondaligan beach, Dagupan City.
Sa kabila nito, pinapayuhan pa rin ang mga mangingisda na makipag-ugnayan muna sa Philippine Coast Guard bago pumalaot upang matiyak na ligtas ang kondisyon ng karagatan.
Samantala, pinaaalalahanan din ang mga beachgoers at water sports enthusiasts na suriin muna ang lagay ng panahon at sitwasyon ng dagat bago magsagawa ng anumang aktibidad sa karagatan.
Ayon sa mga awtoridad, mahalagang pairalin pa rin ang ibayong pag-iingat upang maiwasan ang anumang insidente at matiyak ang kaligtasan ng lahat. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







