TOURIST ARRIVAL SA BOLINAO, UMABOT SA 744K

Umabot sa higit 744,430 ang naitalang bilang ng mga turistang bumisita sa bayan ng Bolinao Pangasinan noong 2024.

Ayon sa datos na inilabas ng Bolinao Tourism and Information Office, nasa 511,846 ang kabuuang day tourists habang nasa 232,584 naman sa overnight tourists noong nakaraang taon.

Mas mataas umano ito kumpara sa naitalang bilang noong nakaraang taon ayon sa tanggapan.

Sa nasabing bilang NASA 21, 007 ang banyagang bumisita sa lugar.

Ilan lamang sa mga dinarayo sa lugar ay ang Bolinao Falls, Balingasay river , Cape Bolinao Lighthouse, Patar White Beach Bolinao Caves, Camp Puor at River Village.

Patuloy ang panghihikayat ng Bolinao Tourism and Information Office na bisitahin ang kanilang mga pangunahing pook pasyalan upang patuloy na matulungan ang mga residente sa lugar na mabigyan ng trabaho at mapagkakakitaan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments