ANTI-DRUG CAMPAIGN NG PNP REGION 1, PATULOY ANG PAGPAPAIGTING

36
Nangunguna pa rin ang Region 1 ukol sa ginagawang programa at sa anti-illegal drug campaign ng buong Police Regional Office 1 para masawata ang indibidwal na nasasangkot sa iligal na droga partikular ang barangay drug clearing operations ng mga ito.
Sa naging panayam kay PLtCol. Renante Baltazar, patuloy ang ginagawa ng PNP Region sa kanilang drug clearing operations at anti-criminality campaigns kahit pa nasa gitna ng pandemya at panahon ng eleksyon.
Naniniwala na ito na hindi maaaring mawala ang anti-drug campaign dahil sa isa ito sa nagiging pahirap para sa komunidad.

Iginiit pa nito na patuloy ang ginagawang pagbabantay sa mga nasa kanilang drugs watchlist upang sa gayon ay mahuli ang mga ito. | ifmnews
Facebook Comments