Saturday, July 18, 2026

Price cap sa booking fees ng mga app-based taxi, ipinatupad ng LTFRB

Ipinatupad na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang price cap sa booking o platform fees ng mga app-based taxi.

Ayon kay LTFRB Chairman Vigor Mendoza II, nakasaad sa Memorandum Circular No. 2026-055 na ang awtorisadong booking o platform fee na maaaring makolekta mula sa mga pasahero ng mga taxi unit sa pamamagitan ng digital at online transport platforms ay dapat 20% ng kabuuang pamasahe o ₱60, alinman ang mas mababa.

Ayon pa kay Mendoza, kailangang malinaw na ipakita ang booking fee sa fare computation, booking confirmation, at electronic receipt ng pasahero.

Ipinagbabawal din ng ahensya ang paniningil ng karagdagang convenience fee, service fee, platform surcharge, o anumang dagdag-singil na walang paunang pahintulot mula rito.

Layon ng bagong patakaran na maiwasan ang hindi awtorisado at hindi malinaw na mga singil, maprotektahan ang mga pasahero, at matiyak ang patas at transparent na pamasahe para sa mga gumagamit ng digital transport platforms.

Facebook Comments