
Cauayan City – Pormal nang nakipagkasundo ang 86th Infantry “Highlander” Battalion, sa City Health Office ng Santiago City sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement.
Isa sa pangunahing layunin ng kasunduan ay ang regular na pagsasagawa ng blood donation drives, kung saan hinihikayat ang mga kasapi ng 86IB na mag-donate ng dugo upang matiyak ang sapat na suplay para sa nangangailangan.
Bukod dito, muling pinagtibay ng 86IB ang kanilang pakikiisa sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at non-government organizations (NGOs) sa mga programang pangkalusugan, pangkaligtasan, at pangkaunlaran ng komunidad.
Sa pamamagitan ng kasunduang ito, pinalalakas ang kooperasyon sa iba’t ibang sektor, ipinakikita ang aktibong papel ng Highlander Battalion sa humanitarian service, at pinatitibay ang diwa ng bayanihan.