TRUCK BAN SA DAWEL BRIDGE SA DAGUPAN CITY, IPINATUPAD NGAYONG ARAW

Istriktong ipinatupad ang truck ban sa kahabaan ng Dawel Bridge ngayong araw, September 13, 2022. Ito ay upang maiwasan ng mabigat na daloy ng trapiko sa lugar.

Matatandaan na noon pang ika-28 ng Hulyo isinara ang isang lane sa mga sasakyan sa Dawel Bridge dahil naging partially damaged ang steel truss support nito dahil sa tumamang magnitude 7 na lindol sa Northern Luzon.

Inabisuhan ang mga motorista na dumaan na lamang sa Lingayen-Calasiao-Old De Venecia Road.

Ang Dawel Bridge ay passable lamang sa mga light vehicles hanggang limang tonelada at sarado sa lahat ng heavy vehicles at equipment
*DWON 104.7 iFM Dagupan* 3rd Floor Marigold Building M.H. Del Pilar Street Dagupan City 2400
*Tel.* (075) 632-2255 Fax. (075) 632-3390 *FB.* facebook.com/ifmdagupan <facebook.com/ifmdagupan>

Facebook Comments