TRUCK BAN SA DAWEL BRIDGE SA DAGUPAN CITY, IPINATUPAD

35

Istriktong ipinatupad ang truck ban sa kahabaan ng Dawel Bridge nito lamang September 13, 2022. Ito ay upang maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko sa lugar.

Matatandaan na noon pang ika-28 ng Hulyo isinara ang isang lane sa mga sasakyan sa Dawel Bridge dahil naging partially damaged ang steel truss support nito dahil sa tumamang magnitude 7 na lindol sa Northern Luzon.

Inabisuhan ang mga motorista na dumaan na lamang sa Lingayen-Calasiao-Old De Venecia Road.

Ang Dawel Bridge ay passable lamang sa mga light vehicles hanggang limang tonelada at sarado sa lahat nA heavy vehicles at equipment.

Facebook Comments