
Naghain ng petisyon ang election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal kontra sa dalawang taon pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) na una nang itinakda ng Nov. 2, 2026.
Inihain ni Macalintal ang petition for certiorari and prohibition sa Kataas-taasang Hukuman matapos pirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang batas na pagpapaliban sa nasabing halalan.
Kasama sa hiling ni Macalintal ang agarang pagsasagawa ng raffle ng Supreme Court upang agad matalakay ang usapin.
Apela ng election lawyer sa mga mahistrado ng Korte Suprema na maglabas agad ng status quo ante order, temporary restraining order, at writ of preliminary injunction.
Bukod dito, hiling din niya sa SC na atasan ang COMELEC na ituloy ang preparasyon para sa BSKE kabilang ang pagsasagawa ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga kakandidato.
Apela pa ni Atty Macalintal na maideklara ang RA 12326 o pagtatakda ng limang taong termino para sa mga opisyal ng Barangay at SK kabilang ang pagsususpindi ng November 2026 dahil labag ito sa atin Konstitusyon.










