Dahil dito, nagiging madulas ang daanan at nahihirapan ang mga residente na makita ang mga butas na maaaring pagmulan ng aksidente.
Ayon kay Freddie Mendoza, residente sa lugar, hirap na ang kanilang komunidad dahil hindi na umano tuluyang nawawala ang tubig-baha.
Dagdag pa ni Mendoza, dumarami na rin ang namumuong lumot sa kalsada na nagiging dahilan ng pagdulas ng ilang residente.
Bukod sa panganib ng aksidente, isa rin sa ikinababahala ng mga residente ang kanilang kalusugan.
Matatandaang may naitalang kaso ng leptospirosis sa kanilang lugar, isang sakit na maaaring makuha sa pagkalubog o pagkakadikit sa tubig na kontaminado ng ihi ng mga hayop.
Samantala, ayon kay Generoso Gomez, Punong Barangay ng Herrero-Perez, mahigit isang buwan na umanong nananatili ang tubig-baha sa kanilang lugar.
Nabanggit din ni Gomez na posibleng dahilan ng pagdami ng mga isdang nakikitang lumalangoy sa tubig-baha ang mga kalapit na ilog, gayundin ang hindi pa natatapos na dike sa lugar.
Sa ngayon, aminado ang barangay na nahihirapan na ang kanilang mga residente dahil sa matagal na pagbaha.
Plano umano nilang bumili ng mga kagamitan at panlinis para sa mga kalsada sakaling tuluyan nang humupa ang tubig-baha.
Umaasa naman ang mga residente na tuluyan nang mawawala ang baha ngayong buwan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








