WANTED SA KASONG CARNAPPING, ARESTADO SA URBIZTONDO

Arestado ng mga awtoridad ang isang 36-anyos na wanted person sa isinagawang operasyon ng Urbiztondo Police Station noong Setyembre 8, 2026 sa bayan ng Urbiztondo, Pangasinan.

Kinilala ang suspek bilang residente ng San Jacinto, Pangasinan.

Ipinatupad ng mga pulis ang Warrant of Arrest laban sa kanya kaugnay ng kasong paglabag sa Anti-Carnapping Act of 1972.

Itinakda ng korte ang ₱50,000 na inirekomendang piyansa para sa nasabing kaso.

Matapos ang pagkakaaresto, pansamantalang dinala at inilagay sa pangangalaga ng Custodial Facility ng Urbiztondo Police Station ang akusado habang hinihintay ang kaukulang disposisyon ng korte.

Patuloy na isinasagawa ng mga awtoridad ang mga kinakailangang proseso alinsunod sa batas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments