Friday, September 11, 2026

Listahan ng mga holiday sa 2027, inilabas na ng Malacañang

Inilabas na ng Malacañang ang listahan ng mga regular holiday at special non working day sa 2027.

Batay sa Proclamation No. 1427 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kabilang sa regular holidays ang:

• Enero 1 – New Year’s Day
• Marso 25 – Maundy Thursday
• Marso 26 – Good Friday
• Abril 9 – Araw ng Kagitingan
• Mayo 1 – Labor Day
• Hunyo 12 – Independence Day
• Agosto 30 – National Heroes Day
• Nobyembre 30 – Bonifacio Day
• Disyembre 25 – Christmas Day
• Disyembre 30 – Rizal Day

Special non-working days naman ang Agosto 21, Nobyembre 1, Disyembre 8 at Disyembre 31.

Itinakda ring special working day ang Pebrero 25, bilang paggunita sa ika-41 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Samantala, dagdag na special non-working days ang Pebrero 6 para sa Chinese New Year, Marso 27 para sa Black Saturday, Nobyembre 2 para sa All Souls’ Day at Disyembre 24 para sa Christmas Eve.

Hindi pa kasama ang Eid’l Fitr at Eid’l Adha dahil iaanunsyo pa ang eksaktong petsa batay sa Islamic calendar.

Facebook Comments