TUBONG CITY OF ILAGAN, ISABELA, NAKASUNGKIT NG SILVER MEDAL SA SEA GAMES

36
Isa sa mga Pilipinong nakasungkit ng medalya sa Southeast Asian Games (SEAG) na ginaganap sa Vietnam ay si Hokett Delos Santos na tubong City of Ilagan, Isabela.

Si Hokett ay 19 taong gulang na atleta mula sa Lungsod ng Ilagan, Isabela na kasalukuyang nag-aaral sa University of Santo Thomas.

Si Emerson Obiena ang trainer ni Hokett, ang tatay ni EJ Obiena, na siya namang nakasungkit ng gintong medalya.

Unang nahilig sa basketball at volleyball si Hokett bago sa pole vaulting.

Narito naman ang mensahe ni Hokett Delos Santos matapos masungkit ang silver medal sa Men’s Pole Vault sa 2022 SEA Games. “This is my second SEA Games po and I get the silver medal po. Sobrang saya kasi yung pressure kanina is parang ‘gusto ko ito kaya dapat gawin ko yung gusto kong gawin”.

Facebook Comments