WALANG NASAKTAN | Eroplanong sakay si US First Lady Melania Trump, nag-emergency landing

Nag-emergency landing sa Andrews air force base sa Maryland ang eroplano kung saan nakasakay si US First Lady Melania Trump.

Ito ay matapos ang paglabas ng makapal na usok sa cabin nito.

Kasabay nito, kinumpirma ng kampo ng unang ginang na walang sinuman ang nasaktan kung saan binigyan ang mga ito ng basang tuwalya para panakip sa ilong dahil sa kapal ng usok.


Papunta sana ang eroplano sa Philadelphia para makipagpulong si Mrs. Trump sa mga pamilya na apektado ng Opiod abuse.

Napilitan naman lumipat ng eroplano ang unang ginang at itinuloy ang biyahe.

Facebook Comments