
Mariing itinanggi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na nakakalabas ng kulungan si dating House Speaker Martin Romualdez.
Ito ay kasunod ng mga ulat na nakakalabas-masok umano si Romualdez sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Payatas, Quezon City.
Ayon kay Remulla, meron silang kopya ng mga CCTV footages na magpapatunay na hindi ito nakalalabas ng kulungan ngunit ito ay hindi pwedeng ilabas sa publiko kung kaya’t inimbitahan nito ang media para ito ay inspeksyunin.
Dagdag pa niya, hindi tumatanggap ng bisita si Romualdez at tanging pamilya at mga abogado lamang nito ang bumibisita sa nasabing dating House speaker.
Nabatid na una nang itinanggi ng BJMP na nakapuslit sa kanilang kustodiya si Romualdez.
Si Romualdez ay nakulong para sa kasong Plunder kaugnay ng anomalya sa flood control projects.










