
Pinapatiyak ni KABAYAN Party-list Rep. Ron Salo sa mga kaukulang ahensya ng pamahalaan na agad maibibigay ang tulong na kailangan ng 17 Filipino seafarers na nakalaya matapos bihagin ng Houthi rebels sa loob ng 429 days.
Sabi ni Salo, mahalagang maipagkaloob agad ng Department of Health (DOH) ang nararapat na medical and psychological care sa ating mga kababayang mandaragat.
Hinihiling naman ni Salo sa Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na paglalaan ng tulong pinansyal at iba pang suporta ang pamilya ng 17 seafarers.
Kasabay nito ay nagpasalamat si Salo kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., gayundin sa Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi tumigil sa pagsisikap na mailigtas ang ating mga binihag na kababayan.
Nagpaabot din ng pasasalamat si Salo sa Sultanate of Oman sa pagtulong na mapalaya ang mga bihag na seafarers.