Pagiging isang Filipino corporation na pinapatakbo ng mga Pilipino, iginiit ng NGCP sa pagdinig ng Kamara

Binigyang-diin ng National Grid Corporation of the Philipines (NGCP) na isa itong Filipino corporation na pinapatakbo ng mga Pilipino at walang papel sa operasyon nito ang China.

Mensahe ito ni NGCP Vice Chairman Henry Sy Jr. na binasa ni NGCP President Anthony Almeda sa pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises.

Base sa mensahe ni Sy, walang kontrol at hindi kayang i-shut ng State Grid Corporation of China (SGCC) ang NGCP.


Ito ay aniya dahil tanging ang Filipino directors at personnel lamang ang may kontrol sa System Operations ng NGCP.

Ayon kay Sy, hindi totoong mayroong single red button na maaaring gamitin para i-turn off ang Grid bukod sa may nakalatag ding protocols para ito ay mangyari.

Kaugnay naman sa partnership ng NGCP sa Chinese firm, nilinaw ni Sy na nang bumili siya ng shares sa NGCP ay bahagi na nito ang SGCC at may umiiral na ring shareholders agreement.

Facebook Comments