Liloan Municipal Port, pansamantalang isinara dahil sa malakas na lindol sa Leyte kanina — PPA

Kinumpirma ng Philippine Ports Authority (PPA) na sarado muna pansamantala ang Liloan Municipal Port.

Ito ay matapos makitaan ng malalaking bitak ang bahagi ng pantalan, kasunod na rin ng napaulat na Magnitude 5.8 na lindol sa Southern Leyte.

Ayon kay Division Manager Rogelio Patan-ao, isinarado muna ito upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero at mga empleyado.


Sa kabila niyan, tuloy pa rin daw ang mga naka-schedule na biyahe ng mga barko sa Liloan Ferry Terminal.

Samantala, sa abiso ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Southern Leyte, limitado lamang din ang access sa Liloan Bridge at hindi pinapayagang dumaan ang mga malalaking sasakyan dahil sa epekto ng lindol.

Facebook Comments