TUTULUNGAN | Gabriela, magbibigay ng tulong sa dalagang na-gang rape sa Tarlac

Handa ang Gabriela sa Kamara na magbigay ng tulong sa dalagang na-gang rape sa Bamban Tarlac.

Matatandaang may kumalat na video sa social media kung saan inabuso ng apat na menor de edad na mga lalaki ang isang babaeng 16-anyos at mismong ang mga kabataang suspect pa ang nag-post nito sa internet.

Giit ni Gabriela Representative Arlene Brosas, mariin nilang kinukundena ang ganitong masamang gawain na kinasangkutan pa ng mga kabataang lalaki.


Sinabi pa nito na dapat lamang maparusahan ang mga suspek bunsod ng damage na ibinigay ng mga ito sa biktima.

Inalok naman ng Gabriela ng legal at psychosocial support ang biktima upang malagpasan nito ang naranasang pang-aabuso pati na rin ang mga pamba-bash ng mga netizens sa social media.

Facebook Comments