UAAP season 80, aarangkada na ngayong araw

UAAP – Aarangakada ngayong araw ang pagbubukas ang UAAP Season 80.

Sinimulan ang opening rites kaninang alas-12:00 ng tanghali sa pangunguna ng Far Eastern University (FEU) bilang season host ngayong taon.

Mamayang alas-2:00 ng hapon, magkakatunggali ang National University Bulldogs at University of the East Red Warriors.


Sa ganap namang alas-4:00 ng hapon, maghaharap ang Adamson Falcons at Ateneo De Manila Blue Eagles.

Bago ito, magkakaroon ng tradisyunal na palabas na pangungunahan ng FEU kung saan tampok ang pagbibigay parangal sa mga napili nilang mga greats kaugnay ng tema ngayon na ‘Season 80 Go For Great’.

Facebook Comments