UGNAYAN NG BJMP BALUNGAO SA IFM DAGUPAN AT IBA PANG SERVICE PROVIDERS PARA SA SERBISYONG MAPAKIKINABANGAN NG MGA PDL, PINAGTIBAY SA PAMAMAGITAN NG MOA SIGNING

Mas pinagtibay pa ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Balungao ang pakikipag-ugnayan nito sa IFM Dagupan at iba pang service providers upang mas mapalawak pa ang mga mapakikinabangang serbisyo ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL).

Sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement na nilagdaan ng mga kaugnay na service provider ay mas mapalalakas pa ang mga aktibidad at programa nakatuon sa pagbibigay ng panibagong pagkakataon sa mga PDL.

Ayon kay JCINSP Sherwin Bunsay, Acting District Jail Warden ng BJMP Balungao, mahalagang mapagtibay pa ang ugnayan ng mga tumutulong na ahensya at organisasyon upang mas maipalit pa sa mga PDL ang mga serbisyong angkop para sa kanila.

Bahagi rin ang nasabing aktibidad sa ika-15 CRS Month at nalalapit na NACOCO Week Celebration sa October 25-31, 2026.

Samantala, nasa 220 ang bilang ng mga PDLs na nasa ilalim ng pangangalaga ng BJMP Balungao na inaasahang makikinabang sa mga susunod na aktibidad at benepisyong hatid ng mga lumagdang service provider. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments