Pinagtibay ang ugnayan ng Dagupan City at San Juan City sa pamamagitan ng isang Sister Cities Agreement na isinagawa kahapon, April 30,2026.
Pumirma sa isang kasunduan sina Dagupan City Mayor Belen Fernandez at San Juan City Mayor Francis Zamora, bilang tanda ng kanilang nagkakaisang hangarin sa pagpapalawig sa kakayahan na nakikipag kolaborasyon sa iba’t-ibang aspeto na makatutulong sa kanilang mga nasasakupan.
Isa sa binigyang diin ni Fernandez ang planong pag-angkop sa sektor ng edukasyon, kahandaan sa sakuna at kalusugan na ipinatutupad sa lungsod ng San Juan.
Nais naman ni Mayor Francis Zamora ang pagbuo ng produkto kung saan makikilala ang kanilang lungsod tulad na lamang sa ipinagmamalaking produktong bangus ng Dagupan City.
Inaasahan naman ang mas matibay na ugnayan ng parehong lungsod upang mas mapalakas pa ang mga programa, proyekto, at aktibidad para sa progreso sa bawat sektor na makakatulong sa kanilang mga nasasakupan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










