UMINGAN MEN’S VOLLEYBALL TEAM, WAGI SA EASTERN CONFERENCE NG GOVERNOR’S CUP 2026

Ang Umingan Men’s Volleyball Team ang nag-iisang undefeated team sa Eastern conference ng Governor Ramon V. Guico III – Volleyball Inter Town Tournament ay naghahanda na sa Quarter Finals matapos talunin ang koponan ng Asingan.


‎Sa kanilang 14-0 standings, pinatunayan ng mga batang atleta ng Umingan na sila ang number 1 sa Eastern Pangasinan nang talunin ang Asingan sa kanilang laban noong nakaraang Linggo, September 06, 2026 sa Urdaneta Cultural Sports Complex.


‎Ayon sa head coach ng Umingan Men’s Volleyball Team na si sir Eusebio Solis, pinag-aralan umano niya ang laro ng kalabang koponan upang maging handa ang kaniyang team sa kanila, bagay na siyang nagpanalo sa mga ito.


‎Dahil sa pagdomina sa Eastern Conference, handang -handa na sa mga susunod pang laban para sa Quarter Finals ang naturang koponan.


‎Pinasalamatan naman ng mga batang atleta at ng buong team Umingan MVT ang kanilang mga taga suporta, lalo na ang Umingan LGU kung saan inalay ang panalong ito hindi lamang sa kanilang pamilya kundi sa lahat ng mamamayan ng Umingan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments