Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways o DPWH Region 1 ang pagkukumpuni sa nasirang bahagi ng Ilocos Fly-in Cruise Road na sakop ng Currimao at Paoay sa Ilocos Norte.

Ayon sa DPWH Region 1, natukoy ang pagkasira sa bahagi ng kalsada noong Setyembre 1, 2026, at kinabukasan, Setyembre 2, sinimulan ang kaukulang repair works.

Kabilang sa isinasagawang pagkukumpuni ang masonry works bilang bahagi ng restoration sa apektadong bahagi ng proyekto.

Nilinaw naman ng DPWH na nasa ilalim pa ng warranty period ang proyekto kaya ang contractor ang sasagot sa lahat ng gastusin sa pagkukumpuni.

Dahil dito, ayon sa ahensya, walang karagdagang pondo ng gobyerno ang gagamitin para sa nasabing repair works.

Patuloy namang minomonitor ng DPWH Region 1 ang ginagawang pagkukumpuni upang matiyak na maayos na maibabalik ang nasirang bahagi ng kalsada at masusunod ang mga itinakdang pamantayan sa proyekto. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments