Friday, September 11, 2026

4 abogado ng Rondain at Mendiola Law Firm, sasampahan ng disbarment case —NBI

Nakatakdang maghain ano mang oras ngayong araw ang National Bureau of Investigation o NBI ng disbarment case laban sa apat na abogado ng Rondain at Mendiola Law Firm.

Ayon sa NBI, isasampa ang disbarment laban mga abogado sa Integrated Bar of the Philippines o IBP.

Ang hakbang ng NBI ay kasunod na rin ng honeytrap issue na nagdadawit sa pangalan ni Executive Sec. Ralph Recto.

Ayon sa NBI gawa-gawa lamang ang affidavit na iprinisinta ng mga abogado sa imbestigasyon.

Facebook Comments