
Bibiyahe sa Singapore si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bukas, Oktubre 7 hanggang 11 para sa isang working visit, sa imbitasyon ni Singapore Prime Minister Lawrence Wong.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Asec. Analyn Ratonel, layunin ng biyahe ang palawakin ang economic ties ng Pilipinas at Singapore, partikular sa investments at iba pang sektor na makatutulong sa pag-unlad ng bansa.
Makikipagpulong din ang pangulo kay Prime Minister Wong para talakayin ang bilateral cooperation at mga development sa rehiyon.
Dadaluhan ni Marcos ang 24th Forbes Global CEO Conference para ilahad sa mga business leader ang investment priorities at growth sectors ng Pilipinas.
Bibisita rin siya sa Singapore Nuclear Research and Safety Institute para alamin ang karanasan ng Singapore sa nuclear technology at safety.
Mahalaga rin ang biyahe dahil malapit nang matapos ang termino ng Pilipinas bilang ASEAN Chair, bago ito pamunuan ng Singapore sa susunod na taon.










