US President Trump, may bagong banat kay North Korean leader Kim Jong Un

78

Manila, Philippines – ‘Short and fat.’

Ito ang tawag ni US President Donald Trump kay North Korean Leader Kim Jong-Un.

Tugon ito ni Trump matapos siyang bansagin ng state media sa Pyongyang na ‘lunatic old man’.

Buwelta ni Trump, bakit daw siya sasabihang ‘old’ ng North Korean Leader kung hindi naman niya tatawagin itong maliit at mataba.

Dagdag pa ni Trump, sinusubukan naman niyang makipagkaibigan kay Kim at balang araw ay mangyayari ito.

Hindi pa nagkukrus ang landas ng dalawang lider pero madalas ay agaw-pansin dahil sa name-calling sa isa’t isa.

Facebook Comments