VALENTINE’S DAY | Love locks, patok ngayong araw ng mga puso sa Taguig

60

Manila, Philippines – Hindi na kailangan pang dumayo sa Paris o South Korea para sa tanyag na love locks dahil mayroon na nito sa Bonifacio Global Taguig.

Kasabay ng pagdiriwang ng Valentine’s Day inilunsad ng Cadbury ang kanilang #SayItWithCadbury Cadbury Love Out Loud.

Kung saan maaaring magsulat ng valentine messages ang mga magsing-irog at pwedeng ilagay o itali sa purple love arcs na matatagpuan sa BGC.

Maaari ding isulat ang love messages sa isang heart tag at dahil sa makabagong teknolohiya makikita ang sweet messages sa isang malaking screen.

Nagpakilig din ang tambalang Janella Salvador at Elmo Magalona sa mga nagpunta sa nasabing event.

At dahil araw ng mga puso, may limited edition Valentines Sleeves ang Cadbury kung saan maaaring maglagay ng mensahe o sweet messages sa heart-shaped carton flap.

Saktong saktong pasyalan ng mga magkasintahan magkaibigan at magpapamilya ang cadbury purple love arc sa BGC dahil maliban sa maaaring mag unli selfie ay kikiligin ka sa sweet mssgs na iyong mababasa sa mga heart tag.


Facebook Comments