Valenzuela LGU, sinimulan na ang pagbabaklas ng mga campaign posters

Bilang pagtalima sa kautusan ng Commission on Elections (COMELEC), agad na kumilos ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela para tanggalin ang mga campaign material.

Partikular ang mga poster, malalaking tarpaulin at lifesize cardboard ng mga politiko na makikita sa buong lungsod.

Pinangunahan ito ng Clean and Green Division ng Valenzuela LGU sa pakikipagtlungan sa mga tauhan at opisyal ng barangay.

Nais masiguro ng lokal na pamahalaan na walang matitirang campaign posters na nakadikit o nakasabit sa mga poste, pader at sa paligid ng kalsada.

Ito’y upang maging kaaya-aya at malinis tingnan ang buong lungsod lalo na’t tapos naman na ang halalan.

Ang hindi na mapakikinabangan na tarpaulin ay idi-dispose nang maayos habang ang iba naman ay ire-recycle para mapakinabangan.

Facebook Comments