
Walang na-monitor na anumang banta o kaguluhan ang Bureau of Corrections (BuCor) sa pangunguna ni BuCor Direktor General Gregorio Pio P. Catapang Jr., na siya ring nagpapatakbo ng prison and penal farm.
Sinabi ni Catapang na batay sa kanilang datos, hindi bababa sa 4,125 na mga person deprive of liberty (PDL) ang kwalipikadong bumoto noong Lunes.
Sa bilang na ito, ang 2,135 PDL ay nakakulong sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, 924 mula sa Davao Prison and Penal Farm, 421 mula sa Leyte Regional Prison, 290 mula sa San Ramon Prison at Penal Farm sa Zamboanga del Sur, 140 mula sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa, Palawan, 123 mula sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City, at 92 mula sa CIW-Mindanao.
Matatandaan noong nakaraang taon, nilagdaan ng BuCor ang isang memorandum of agreement kasama ang Commission on Elections (COMELEC), Public Attorney’s Office (PAO), at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) upang maisulong at ipatupad ang isang inclusive na kapaligiran sa botohan para sa PDLs eleksyon.