VEHICULAR ACCIDENT, NANGUNGUNA SA MGA NIRERESPONDEHAN SA LUNGSOD NG CAUAYAN

20
Cauayan City, Isabela- Nangunguna pa rin sa talaan ng Rescue 922 ang insidente ng vehicular accident na madalas nilang nirerespondehan sa Lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ronel Panganiban, Planning Coordinator ng BGD Command Center, apat (4) agad na insidente ng vehicular accident ang kanilang nirespondehan kahapon, June 2, 2022 na kinasasangkutan ng tatlong nagsarili at isang bumangga sa pedestrian.

Kanyang sinabi na mas marami ang naitatalang aksidente sa Weekends o sa mga araw ng Biyernes, Sabado at Linggo.

Batay sa datos ng Rescue 922 mula noong buwan ng Enero hanggang sa kasalukuyang buwan ng taon, mayroon ng 205 na total vehicular accident ang naitala sa Lungsod kung saan 117 sa mga ito ay nakainom ng alak; 116 ang walang suot na helmet at siyam sa mga ito ay namatay.

Posible rin umano na lalong tataas ang bilang ng mga nasasangkot sa aksidente ngayong nagluwag na ang quarantine restrictions.

Facebook Comments