Vhong Navarro, inilipat na sa Taguig City Jail

Inilipat na sa Taguig City Jail ang aktor na si Vhong Navarro.

Ito ay matapos na magdesisyon ang Taguig Regional Trial Court na alisin na sa National Bureau of Investigation (NBI) Detention Center ang aktor.

Si Navarro ay sinamahan ng kanyang maybahay na si Tanya Bautista mula NBI patungong Taguig.


Sasailalim muna si Navarro sa 15 araw na quarantine at pagkakatapos nito ay pag-aaralan pa kung siya ay ihahalo sa ibang inmates.

Ito ay nakadepende pa sa posibleng banta sa buhay ng aktor.

Maghihintay na lamang si Navarro kung kakatigan ng korte ang kanyang petition for bail para pansamantalang makalaya.



May kaugnayan pa rin ang kaso ng aktor sa rape case na isinampa ng dating model na si Deniece Cornejo.

Facebook Comments