
Kinilala ni Vice President Sara Duterte ang naging kabayanihan ng 44 na miyembro ng Special Action Force ng PNP na nagbuwis ng kanilang buhay siyam na taon na ang nakalilipas.
Sa kanyang video message, sinabi ni VP Sara na ang naging sakripisyo ng SAF 44 ay isang makapangyarihang paalala hinggil sa kahalagahan ng pambansang pagkakaisa at sama-samang responsibilidad sa pagprotekta ng seguridad ng bansa.
Ito rin aniya ang tamang panahon sa pagkilala sa panganib ng mga naglilingkod sa law enforcement at armed forces.
Idinagdag ni VP Sara na ang trahedyang sinapit ng SAF 44 nawa ay maging leksiyon para sa sama-samang paglaban sa mga hamon at sa pagtaguyod sa mas ligtas na kinabukasan ng mga Pilipino.
Facebook Comments