Virtual wallet na GCash, walang pananagutan legally sa nangyaring glitch ayon kay DOJ Secretary Remulla

Hindi maaaring habulin ang e-wallet na GCash sa naranasan ng ilang users nito na pagkabawas ng pera sa kanilang account.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Crispin Remulla, ito ay dahil sa naresolba na ang nangyaring “glitch” at naibalik na ang pera sa account ng naapektuhang customers.

Aniya, maaari lang papanagutin sa cybercrime ang kumpanya kung hindi nito agad naresolba ang aberya.


Sinabi pa ng kalihim na normal ang pagkakaroon ng mga glitch sa mga katulad na digital platform.

Gayunman, handa aniya ang DOJ-Office of Cybercrime na imbestigahan ang isyu kung may hacking na nangyari.

Wala namang natanggap na impormasyon ang kalihim kung may hacking sa nangyaring illegal fund transfers.

Facebook Comments