RELIEF OPERATIONS, TULOY SA UNANG DISTRITO NG PANGASINAN HABANG RAMDAM PA RIN ANG EPEKTO NG MAHIGIT ISANG LINGGONG PAG-ULAN

Ipinagpatuloy kahapon, Agosto 12, ang pamamahagi ng food packs sa mga pamilyang naapektuhan ng mahigit isang linggong pag-ulan at pagbaha sa ilang komunidad sa Unang Distrito ng Pangasinan.

Kabilang sa tinututukan sa relief operations ang mga pamilyang naapektuhan hindi lamang ang kanilang tahanan kundi maging ang kabuhayan, partikular ang mga magsasaka at mangingisda.

Sinabi ni 1st District Congressman Arthur Celeste na tinututukan ng kanyang tanggapan ang agarang pangangailangan ng mga pamilyang higit na naapektuhan ng matagal na pag-ulan, kabilang ang mga nawalan o naapektuhan ang kabuhayan.

Pinangunahan nina Alaminos City Mayor Arth Bryan Celeste at City Administrator Arthur “Jun-Jun” Celeste Jr. ang pamamahagi ng Family Food Packs sa mga residenteng nangangailangan ng tulong.

Patuloy ang pagtukoy sa mga pamilyang higit na nangangailangan ng ayuda, lalo na ang mga nawalan o nabawasan ng kita dahil sa epekto ng masamang panahon.

Kasabay nito, patuloy na minomonitor ang kondisyon ng mga komunidad na apektado ng pag-ulan at pagbaha habang unti-unting bumabangon ang mga pamilya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments