
May kutob si Vice President Sara Duterte na hindi maganda ang kalidad ng bente pesos kada kilo ng bigas na ibebenta ng administrasyon sa Visayas.
Ayon kay VP Sara, duda siya na hindi kayang sikmurain ng tao ang ibebentang bigas ng pamahalaan sa mga Pilipino.
May kutob din si VP Sara na tagilid ang mga kandidato ng administrasyon kaya kasabay ng pagbebenta ng bente pesos na bigas sa Visayas ang pagpupulong ng administrasyon sa mga gubernador sa Visayas.
Nagbabala rin ang pangalawang pangulo sa mga panibagong pambubudol na aniya’y ginagawa ngayon ng administrasyon.
Facebook Comments