
Nilinaw ni Vice President Sara Duterte na hindi pagpuna ang naging pahayag niya sa kaduda-dudang pagbebenta ng administrasyon ₱20 kada kilo ng bigas sa Visayas.
Iginiit ni VP Sara na nakapagtataka ang timing ng Pangulong Bongbong Marcos sa pagbebenta ng murang bigas.
Sinabi ng pangalawang pangulo na 2022 pa pangako ni PBBM na ibababa niya sa ₱20 ang kada kilo ng bigas.
Nakapagtataka rin aniya na sa Visayas lamang nagbagsak ang presyo ng bigas kung saan kulelat aniya ang mga kandidato ng administrasyon.
Una na ring ibinunyag ni VP Sara ang biglaang pagpapatawag ng Malakanyang ng pagpupulong sa mga gobernador sa Visayas kasabay ng pagbebenta doon ng ₱20 kada kilo sa presyo ng bigas.
Facebook Comments