VP Sara Duterte, may hamon sa Malacañang matapos ang pagtanggi ng Palasyo na planado ang pag-aresto kay dating Pangulong Duterte

Hinamon ni Vice President Sara Duterte ang Malacañang na tanungin ang taumbayan hinggil sa kanilang saloobin sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Duterte.

Ito ay matapos itanggi ng Palasyo na planado ang pag-aresto kay dating Pangulong Duterte.

Ayon kay VP Sara, nagngingitngit ang taumbayan sa patuloy na panggigipit ng administrasyon sa kanilang pamilya.

Ito ay lalo na’t gigil na gigil aniya ang Malacañang na isulong ang impeachment case laban sa kanya.

Una nang inihayag ni VP Sara na may kinalaman sa nalalapit na halalan sa Mayo at sa 2028 elections ang patuloy na panggigipit ng administrasyon sa oposisyon.

Facebook Comments