Kongkretong hakbang para tugunan ang pangangailangan ng manggagawa, pangako ni PBBM ngayong Labor Day

Patuloy na isusulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kapakanan ng mga manggagawa bilang tunay na pagkilala at pasasalamat sa kanilang mahalagang papel sa lipunan.

Sa kaniyang opisyal na mensahe ngayong Labor Day, binigyang-diin ng pangulo na ang paggawa ay hindi lamang para sa pansariling kapakanan kundi isang dakilang ambag sa kasaysayan ng Pilipinas.

Ayon sa pangulo, sa araw-araw na kumakayod ang mga manggagawa ay naroroon ang diwang handog para sa ikabubuti ng nakararami.

Hinimok naman ng pangulo ang lahat na gawing pagkakataon ang araw na ito para makabuo ng mga konkretong hakbang na tutugon sa mga pangangailangan ng mga manggagawa, kabilang na rito ang kaligtasan sa lugar ng trabaho, karapatang pantao, at patas na oportunidad para sa maayos na kinabukasan.

Giit ng pangulo, ang mga polisiya ng pamahalaan ay dapat sumasalamin sa paniniwalang ang tunay na yaman ng bayan ay nasusukat hindi sa kita kundi sa dangal ng bawat Pilipinong nagsusumikap.

Facebook Comments