
Dinagdagan pa ni Vice President Sara Duterte ang kanyang listahan ng party-list groups na aniya’y hindi karapat-dapat iboto ng taongbayan.
Bukod sa Tingog Party-list na aniya’y pagmamay-ari ng pamilya ni Speaker Martin Romualdez, hiniling din ni VP Sara sa publiko na huwag iboto ang mga militanteng party-list groups.
Ito ay lalo na’t alam aniya ng gobyerno na kaalyado ng CPP-NPA-NDF ang naturang party-list groups.
Kasama rin ang Ako Bicol Party-list sa listahan ni VP Sara na huwag iboto sa darating na halalan dahil pagma-may-ari aniya ito ng isang kontraktor ng mga proyekto.
Facebook Comments